Starmall Alabang Transport Terminal

Last update: July 25, 2021

Update as of October 2021 >> https://youtu.be/C9jmKjjDj8Q

Ngayon panahon ng pandemya, ang lahat ng uri ng public transport ay nasa harap ng mall. WALA pang byahe ng bus dito papuntang probisnya. Ang mga byaheng probinsya ay nasa PITX na nasa Paranaque. Click here kung kailangan mo ng info tungkol sa mga byaheng probinsya na pinayagan ng LTFRB noong September 30.

Nakaparada ang mga City Buses sa kaliwang bahagi samantalang naghihintay ng pasahero ang mga P2P buses sa kanan. Ang e-jeep ay nakaparada sa Starmall Service Road. Walang byahe ng UV express dito sa Starmall.

As of November 4, 2020, may byahe na ng UV Express o van sa Festival Mall Alabang papuntang Cavite at Laguna. Para sa detalye kung anong ruta ang mayroon, click here.

Mayroon na rin byahe ng jeep sa Jeepney Terminal sa kahilera ng Jollibee Alabang Junction. Para sa detalye kung ano ang ruta mayroon, click here.

Ang byahe ng bus papuntang PITX ay nasa Alabang South Station. Click here para sa iba pang info tungkol sa byahe na mayroon sa South Station papuntang Cavite at Laguna.

REMINDER: Ito ay personal blog tungkol sa public transport sa NCR at karatig probinsya at binabahagi ng libre sa pamamagitan ng website na ito, sa Facebook page at sa Youtube channel. Wala pang pag-aari na bus company (😅) at hindi rin parte ng kahit anong ahensya ng gobyerno ang website na Dito ang Sakayan.


Paano pumunta sa Starmall Alabang Terminal?

Sa ngayon, may tatlong paraan para makapunta sa Starmall Alabang. 

  1. Mula Ayala, Makati
    – Meron byahe ng bus na ang ruta ay Ayala to Starmall Alabang.
    Kung galing ka ng Caloocan, sakay ka ng bus sa Monumento na ang signboard ay PITX Siguraduhin mo na dadaan ng EDSA. Baba ka sa Ayala.
    Kung ikaw naman ay galing sa Quezon City, sakay ka ng MRT o kaya ay bus, baba ka sa Ayala. Pagkatapos, sakay ka ng bus papuntang Starmall Alabang. 
  2. Mula BGC, Taguig.
    – Sakay ka ng bus sa Market Market Mall na ang signboard ay Starmall Alabang.
  3. Mula Cavite/Pasay/Manila
    – Sakay ka muna ng bus o jeep papuntang PITX.
    – Sa PITX, sakay ka ng bus na ang signboard ay Alabang South Station. 
    – Lakarain mo na lang galing South Station papuntang Starmall.
Ano ang mga byahe rito sa Starmall Alabang Terminal?
  1. P2P Bus papunta sa: 
    Metro Manila
    Mandaluyong
    Manila
    Province
    Cavite
  2. City Bus papunta sa:
    Metro Manila
    Makati
    Taguig
  3. Modern Jeepney papunta sa:
    Metro Manila
    Las Pinas

PROVINCIAL BUS ROUTE
  1. Starmall Alabang to Calamba
    First trip: 7:30 AM
    Last trip: 6:00 PM
    source

P2P BUS ROUTE
  1. Starmall Alabang to Lawton
    Weekdays: 6:00 AM, 6:30 AM, 7:00 AM (complete schedule here)
  2. Starmall Alabang to NAIA / Mall of Asia 
    discontinued as of July 9, 2021. (ubeexpress)
  3. Starmall Alabang to Starmall EDSA Shaw
    with Bus Stop at SM Megamall and Robinsons Galleria
    Weekdays: from 6:00 AM to 5:00 PM (complete schedule here)
  4. Starmall Alabang to Vista Mall Daang Hari
    Weekdays: from 6:15 AM to 9:00 PM  (complete schedule here)
    Weekends: from 9:00 AM to 6:00 PM (complete schedule here)
  5. Starmall Alabang to Vista Mall Dasmarinas
    Weekdays: from 6:30 AM to 9:30 PM  (complete schedule here)
    Weekends: from 9:15 AM to 6:15 PM (complete schedule here)

CITY BUS ROUTES
  1. Starmall Alabang to Ayala
    Daily: 5:00 AM to 8:00 PM (source)
  2. Starmall Alabang to BGC 
    Starting June 9 (source)
  3. Starmall Alabang to PITX
    First trip: 3:00 AM
    Last trip: 9:00 PM
    * As of January 2, noong pagbisita ko sa terminal, dito na nagsisimula ang byahe Alabang – PITX. Hindi na sa South Station. 

JEEPNEY ROUTES

  1. Starmall Alabang to Calamba
    Service Provider: Saint Rose Transit 
    Pamasahe: Php 60.00
    Alabang to Calamba – 5:00 AM to 9:00 PM daily 
    Calamba to Alabang – 4:00 AM to 8:00 PM daily
    Terminal sa Calamba: Saint Rose Transit Terminal Crossing 
    Source
  2. Starmall Alabang to Zapote
  3. Alabang to Bicutan 
    Ang jeep ay nadaan sa tapat ng Starmall Alabang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: